Lalaki itinali ang kamay saka binaril-patay sa Cawayan, Masbate

SORSOGON CITY—Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng PNP sa nangyaring pamamaril-patay sa isang hindi pa nakikilalang lalaki sa P4, Sto. Niño, Brgy. Recodo, Cawayan, Masbate kahapon ng umaga.

Ang biktima ay tinatayang nasa 35-anyos, katamtaman ang kulay ng balat at nakasuot ng itim na jersey shirt na may nakasulat na number 71 at pangalang Sastae at jersey short na itim at berde.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon sa PNP, si Punong Barangay Sanilito Andales ng Brgy. Recodo, Cawayan ang nagreport sa kanilang himpilan hinggil sa pamamaril na naganap sa kanyang nasasakupan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa pagberipika, naabutan ng mga pulis sa lugar ang biktima na nakatali ang mga kamay sa likod, nakaluhod at may tama ng bala ng baril sa noo.

Limang hindi pa matukoy na kalalakihan ang itinuturong suspek sa krimen na tumakas patungo sa direksyon ng Brgy. Maihao, ng parehong bayan.#