Suspek sa Copenhagen shooting, may mental health issues ayon sa mga pulis

Kinumpirma ni Copenhagen police chief Soren Thomassen na may mental health issues ang suspek sa nangyaring pamamaril sa isang shopping mall doon.

Ayon kay Thomassen, random ang naging target na mga biktima kung saan hindi umano ito isang indikasyon ng terror act.

Read More:  Spain transport minister resigns following deadly train collision

Ayaw naman niya mag-komento kaugnay sa posibleng motibo ng shooting incident sa ngayon pero mukhang may naging preparasyon umano sa nasabing pag-atake.

Read More:  2 foreign tourists die in suspected electrocution incident at luxury hotel pool in India

Samantala, kabilang sa tatlong namatay ang 17-year old na lalaki at babaeng teenagers habang Russian citizen naman ang isa pang nasawi na edad 47. (ARGIE ERGINA)