13 na depektibong timbangan sa Iba, Zambales kumpiskado ng LPCC

Nakumpiska ng Local Price Coordinating Council at DTI Zambales ang labintatlong mga depektibong timbangan.

Ito sa kanilang isinagawang Market Monitoring and Enforcement sa Iba Public Market sa Zambales nakalipas na June 30.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ayon sa DTI, nasa 234 stalls monitored ang kanilang inikutan sa monitoring.

Matatandaan na nagsasagawa ng regular na monitoring ang LPCC members para masigurong sumusunod sa mga regulasyon ang mga manininda.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Photo: DTI Zambales