Umabot sa mahigit dalawang dosena na mga crew ng isang barko sa South China Sea ang patuloy na pinaghahanap matapos itong mahati sa dalawa dahil sa tumamang bagyo doon.
Ayon sa Hong Kong Government Flying Service, nasa 30 katao ang naiulat na nawawala habang may tatlong empleyado ang na-rescue na agad namang dinala sa pagamutan.

Sinabi ng ilang naka-survive na inanod umano ng malakas na alon ang ilan nilang kasama bago pa dumating ang unang helicopter para iligtas sila.
Samantala, matatandaang naiulat na tatama si Typhoon Chaba sa central part ng South China Sea kung saan tuluyan itong mag-lalandfall sa Guangdong province sa southern China. (ARGIE ERGINA)