Maagang bubuksan ang National Museum para sa mga gustong dumalo sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bukas.
Ayon kay Manila Police District spokesperson Police Major Philipp Ines maaring makapasok ang publiko sa venue simula alas-saiz ng umaga at pagsapit ng alas-nuebe ng umaga ititigil na nila ang pagpapasok dito.
Ang mga Marcos supporters ay itatalaga sa golf course ng Intramuros sa harap ng National Museum, na kayang mag-accomodate ng 25,000 hangang 30,000 katao.
Maliban sa mga supporters ni President-elect Marcos babantayan din ng kapulisan ang nasa 1, 500 VIPs at VVIPs (very very important persons) na dadalo sa naturang inagurasyon.
Sinabi ni Ines na ang VVIPs ay mauupo sa itaas ng podium ng museum habang ang mga VIPs ay itatalaga sa isang lane sa bahagi ng Padre Burgos Avenue.
#