Dalagitang kukuha ng gulay patay na nang matagpuan sa Iriga City

CAMARINES SUR- Patay na nang matagpuan sa taniman ang 15-anyos na dalagita sa San Pedro Iriga City.

Ayon sa PNP 2:30 hapon nitong Sabado Hunyo 25 nang makita ang biktima, may mga tama ng taga  sa katawan na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni PLt. Belle Cereno , Spokesperson ng Iriga City Police Office , Hunyo  24 nang mag paalam ang biktima na kukuha ng gulay para lutuin at iulam sa tanghalian pero hapon na hindi pa umuuwi, kianumagahan na natagpuan sa maisan nang may maamoy na ang mga naghahanap.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Narekober ang itak ng biktima nasa sampung metro ang layo mula sa bangkay  , ito ang pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pagpatay.

Wala pang hawak na medical result si Cereno kung hinalay ang dalagita bago pinatay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon para sa pagkakakilanlan at pagkakahuli ng suspek.