11 players ang maglalaro sa third window ng FIBA qualifiers – Gilas Pilipinas

Inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na 11 players lang ang maglalaro sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nakatakdang maglaro ang Gilas Pilipinas sa ika-30 ng Hunyo ngayong taon sa EventFinda Stadium sa Auckland New Zealand at sa ika-3 ng Hulyo naman sa Mall of Asia Arena.

Read More:  Organizers aim to sell 50,000 tickets for Alex Eala’s Philippine Exhibition Match

Makakalaban nila ang India at New Zealand kung saan hindi makakasama si UAAP Most Valuable Player Ange Kouame dahil sa meniscal sprain at partial ACL tear.

Read More:  Farm Fresh pulls off reverse sweep against Choco Mucho in PVL

Samantala, kabilang sa listahan ng koponan si Kiefer Ravena, RJ Abarrientos, SJ Belangel, Rhenz Abando, Geo Chiu, Dave Ildefonso, Francis Lopez, William Navarro, Kevin Quiambao, Dwight Ramos at Carl Tamayo. (ARGIE ERGINA)