DENR, inanunsyo na permanente ng bubuksan ang dolomite beach sa publiko

Inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na permanente ng bubuksan ang dolomite beach sa publiko.

Ayon sa DENR public information office, isasara lang umano ito kada Huwebes para sa cleaning at maintenance work.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Matatandaang muli itong binuksan noong ika-12 ng Hunyo ngayong taon kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Samantala, kaya umanong mag-accommodate ng naturang pasyalan mula 1,500 hanggang 3,500 katao simula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng hapon. (ARGIE ERGINA)