Lalaki, patay sa pamamaril sa Balayan, Batangas; sekyu, sugatan matapos madamay

Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek, habang sugatan naman ang isang sekyu na aksidenteng natamaan rin ng bala sa pamamaril sa harap ng isang pawnshop sa Balayan Public Market sa bayan ng Balayan, Batangas.

Kinilala ng Balayan Municipal Police Station ang mga biktima na sina Jimmy Mirabueno, 37 anyos, nagrerepair ng mga sapatos at residente ng Barangay San Juan ng nasabing bayan at si Joel Carpenter, 26 anyos, Security Guard  at residente ng Barangay Lucsuhin, Calatagan, Batangas.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon sa imbestigasyon, bandang 1:25 ng tanghali ng Hunyo 21 habang nakabantay ang naturang biktima sa kanyang pwesto sa harap ng pawnshop, dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng motorsiklo ang huminto sa nasabing lugar.

Walang anu-ano’y pinagbabaril ng ilang beses ng backrider ang biktima at tinamaan ito sa ibat-ibang parte ng katawan habang aksidente rin na tinamaan ang sekyu ng pawnshop.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kaagad na tumakas ang mga suspek sa krimen habang dinala ang dalawang biktima sa ospital, subalit binawian rin ng buhay si Mirabueno habang nasa maayos na kalagayan na ang sekyu na si Carpenter.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang motibo at ang pagkakakilanlan ng mga naturang suspek.