Covid-19 booster shot guidelines para sa immunocompromised kids, inilabas na

Inilabas na ang guidelines para sa Covid-19 booster shot na nakalaan para sa mga immunocompromised na mga kabataan edad 12 hanggang 17.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, ang karagdagang 0.3 ml dose ng Pfizer o BioNTech vaccine ay ibibigay sa naturang age group.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Aniya, ituturok ito pagkatapos ng 28 na araw ng second dose ng pasyente kung saan gagawin lang umano ito sa mga hospital-based vaccination sites.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Samantala, matatandaang inamyendahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization ng nasabing bakuna noong ika-14 ng Hunyo ngayong taon.

(ARGIE ERGINA)