Marcos admin, target mailabas ang mas maraming National ID’s

Target umano ng administrasyong Marcos na makapag-issue ng mas marami pang National ID’s hanggang sa katapusan ng taong 2022.

Sa isang panayam, sinabi ni incoming Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority chief Arsenio Balisacan na plano nilang mailabas ang mga Nationals ID’s sa physical form o di kaya nama’y electronic form bago matapos ang taon.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Sa katunayan aniya ay target ng incoming administration na maibigay sa 92 million na mga Pilipino ang kanilang mga National ID’s.

Bukod naman sa Philippine Statistics Authority, nakikipag-ugnayan na rin aniya ang bagong administrasyon sa Bangko Sentral ng Pilipinas para sa pag-release ng ID’s.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Base sa huling tala ng PSA, as of April 30, 2022, nasa mahigit sampung milyong ID cards na ang nai-deliver sa buong bansa.(CLAY MARQUEZ)
#