Caloy Yulo, nasungkit ang 2 gold medals sa Artistic Gymnastics Asian Championships

Nasungkit ng Tokyo Olympian na si Caloy Yulo ang karagdagang dalawang gold medals sa 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships na ginanap sa Doha, Qatar.

Nakuha ni Yulo ang score na 14.800 sa men’s vault kung saan nakuha naman ni Tachibana Shiga ng Japan ang silver medal at bronze medal naman ang naiuwi ni Kim Hansol mula Korea.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Una niyang nakuha ang gintong medalya sa men’s floor exercise tournament kung saan 3 gold medals at isang silver medal ang kanyang napanalunan sa all-around event.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Samantala, dahil dito, pasok na si Yulo sa World Championships na gaganapin sa United Kingdom.

(ARGIE ERGINA)