Hayaan ang mga LGUs na mag-desisyon kaugnay sa face mask mandate – Palace adviser

Iginiit ni Presidential Adviser on entrepreneurship Joey Concepcion na dapat hayaan ang mga local government units (LGUs) na mag-desisyon kaugnay sa face mask mandate sa bansa.

Ayon kay Concepcion, hindi na umano dapat gawing mandato ang pagsusuot ng face mask pero nirerespeto naman niya ang guidelines ng Covid-19 task force ng kasalukuyang administrasyon.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Hinimok niya ang susunod na termino na pag-usapan nila ang mga dapat gawin tungkol sa usaping ito.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Samantala, nagsimula ang naturang issue matapos maglabas ang Cebu kaugnay sa optional face mask policy sa kanilang lugar. (ARGIE ERGINA)