Distribution ng National ID pagtutulungan na umano ng PHILPOST at PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA)Bicol na nagkaroon na ng pag uusap ang Philpost tungkol sa pagpapabilis ng distribusyon ng national identification card sa mga tao.

Ayon kay PSA Bicol Regional Spokesperson Vladimir Peraja, pagtutulungan na ngayon ang pamamahagi ng national id sa mga tao upang hindi na magkaroon pa ng backlog mula sa Philpost.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Aniya, direkta na umano kukunin ng mga tao ang kanilang id sa PSA o kaya ihahatid pa rin ng philpost sakaling dumating ang national id.

Maaari umano dumating ang mga ito ngunit hindi pa ito naibibigay sa mga kabahayan dahil sa posibleng umanong kulang sa manpower ang nabanggit na opisina.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Halos marami na ang nagparehistro sa national id system o phil sys na isinasagawa naman sa mga barangay at malls sa rehiyon.

Umaabot na umano sa mahigit sa 3M na ang nagparehistro sa Phillipine  system para sa national ID.