PNP, magpapatupad ng gun ban sa Metro Manila at Davao City para sa Marcos-Duterte inauguration

Kinumpirma ng Philippine National Police na magpapatupad ito ng gun ban sa Metro Manila at sa Davao City.

Ito ay bilang bahagi ng security preparations sa panunumpa ni President-elect Bongbong Marcos sa Naitonal Museum sa June 30; at panunumpa ni Vice-President-elect Sara Duterte sa Lungsod ng Davao sa June 19.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa pahayag, magkakaroon ng gun ban sa Davao City mula June 16 hanggang 21; habang June 27 hanggang July 2 naman sa NCR.

Bago ito, muling sinabi ni PNP spokesperson Corl. Jean Fajardo sa isang panayam na wala pa ring namo-monitor na seryosong banta ang kapulisan.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Sa kabila ng serye ng pambobomba sa Mindanao noong mga nakaraang linggo, sinabi ni Fajardo na mahigpit na ipatutupad ang seguridad sa San Pedro Square sa Davao City.

Aniya, tuluy ang isinasagawa nilang intelligence gathering para masigurong hindi na ito masusundan pa.
#