Mga fruit vendors, natuwa sa muling pagbubukas ng B’lok Bridge II sa Koronadal

KORONADAL CITY- IKINATUWA ng mga fruit vendors sa Alunan Avenue ng Koronadal ang muling pagbubukas ng B’lok Bridge II matapos ang anim na buwan na konstrusyon nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal sa isa sa mga fruit vendors, inihayag nito na sisiglang muli ang kanilang pagnenegosyo sa nasabing lugar.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Dagdag pa ng mga mga ito na humina umano ang kanilang kita sa lugar na kanilang nilipatan matapos isinara ang nasabing tulay upang bigyang daan ang construction sa pagsasa-ayos at pagpapalawak nito.

Sa ngayon panawagan na lamang ng mga ito sa kanilang mga mamimili na tangkilikin ang kanilang panindang prutas dahil bukas na ang tulay na pinalawak hanggang 6 lanes.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Napag-alaman na P20 million ang inilaang pondo sa construction ng nasabing tulay.