Amber Heard, sinabing hindi fair ang ‘hate and vitriol’ sa kanya sa social media

Sinabi ng dating asawa ni Johnny Depp na si Amber Heard na hindi fair ang ‘hate and vitriol’ sa kanya ng mga tao sa social media.

Ito’y matapos siyang matalo sa libel trial laban kay Depp kung saan hindi naman umano niya sinisisi ang naging desisyon ng husgado.

Read More:  Bea Alonzo opens up about new life as Mrs. Co

Ayon kay Heard bagama’t hindi niya siniseryoso ang naglalabasang memes at posts ay dapat umano itong magkaroon ng fair representation sa internet.

Read More:  Mikee Quintos and Paul Salas on good terms after their breakup

Samantala, matatandaang 6 na linggong dininig ng korte ang naturang kaso kung saan ginawaran ng US Jury ang ‘Aquaman’ star ng 10 million dollars. (ARGIE ERGINA)