Sen. Poe, nais isulong ang WFH set-up para sa mga gov’t workers

Nais isulong ni Senator Grace Poe ang work-from-home set-up para sa mga empleyado ng gobyerno kasabay ng pagtaas ng langis at kakulangan sa public transportation.

Ayon kay Poe, dapat umanong suportahan ng pamahalaan ang naturang mga manggagawa kung saan hindi aniya makokompromiso ang operasyon ng mga ahensya nito.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Hiniling niya sa mga agency heads kasabay ng konsultasyon sa mga stakeholders na gumawa ng guidelines para sa greater flexibility ng nasabing mga empleyado.

Read More:  DOLE reminds NCR employers of proper pay rules for Nov. 16-18 special non-working days

Samantala, iginiit ng senadora na dapat magbigay ng pamahalaan ng solusyon kung saan hindi kinakailangang gumastos ng malaki para sa transportasyon kung nais umano nito ng onsite work.

(ARGIE ERGINA)