Higit 600 nakabenepisyo sa Free Patient Transport Services ng PDRRMO-So.Cot

KORONADAL CITY- UMABOT na sa 628 na mga pasyente sa probinsya ng South Cotabato ang natulungan at nakabenepisyo sa Free Patient Transport Services ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.

Inihayag ni PDRRMO – OIC Rolly Aquino na ang mga ito ay libreng nasundo at naihatid sa kanilang mga bahay mula o papunta sa mga hospitals sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Binigyang diin ni Aquino na hindi sinisingil ang mga pasyente ng bayad sa fuel at sa driver.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Samantala, bukas naman 24-oras ang emergency operations center ng PDRRMO at hotline numbers na 09691915810 at 09275426430 na maaaring tawagan ng mga mamamayan sa panahon ng emerhensya.