2 katao, nahulog sa MRT-3 tracks mula sa flyover

Nahulog ang 2 katao sa MRT-3 tracks mula sa flyover bandang Magallanes at Taft stations nitong Linggo ng gabi.

Pansamantalang natigil ang operasyon ng tren dahil sa pagresponde ng security personnel at medical professionals sa pinangyarihan ng insidente.

Read More:  SC upholds five-year term for barangay and SK officials

Wala na mang breakdowns ang naitala sa system ng MRT-3 at naibalik ang operasyon nito sa southbound lamang bandang 7:26 ng gabi.

Read More:  Prosecution links Sara’s popularity drop to impeachment trial

Samantala, patuloy pa din ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa naturang pangyayari.

(ARGIE ERGINA)