QC, naka-yellow alert dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19

Itinaas sa yellow alert ang Quezon City dahil umano sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 kada araw.

Nagbabala si Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) Chief Dr. Rolando Cruz sa posibleng pagsipa ng mga kaso sa susunod na dalawang linggo.

Read More:  45°C heat index possible in 2027 amid Super El Niño

Hinimok naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanilang mga residente na maging vigilant dahil nanatili pa din ang naturang sakit sa bansa.

Read More:  Focus crimes drop 29.75% nationwide in third quarter – PNP

Samantala, pumalo na sa 261 ang kaso sa QC sa nakalipas na ilang linggo kung saan umabot na sa 245,025 ang total cases dito. (ARGIE ERGINA)