P400 monthly minimum wage sa Caraga, aprubado na

Makakatanggap na ng monthly minimum wage na P400 ang mga domestic workers sa Caraga, matapos aprubahan ng regional wage board ang pay hikes.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), naglabas na ang Caraga Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng wage order na nagpapahintulot sa salary increases na P500 at P1,000 para sa mga kasambahay.

Read More:  Focus crimes drop 29.75% nationwide in third quarter – PNP

Ang direktiba ay magiging epektibo, 15 araw matapos mailathala sa mga pahayag ng general circulation sa rehiyon.

Read More:  Leandro Leviste faces arrest as NBI eyes passport cancellation

Inaasahan rin na makakabenepisyo dito ang nasa 32,867 katao mula sa naturang sektor sa rehiyon.

Matatandaan na huling naranasan ng mga domestic helpers sa Caraga ang wage increase ay noon pang October 2019. //MHEL PACIA