LRT1 at LRT2, may ‘libreng sakay’ sa Independence Day

Magkakaroon ng libreng sakay ang Light Rail Transit (LRT) 1 at 2 sa June 12 bilang pagdiriwang ng 124th Independence Day ng Pilipinas.

Ayon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC), magsisimula ang naturang serbisyo simula alas-siyete hanggang alas-nuebe ng umaga at simula alas-singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Maaaring gamitin ng mga pasahero ang kanilang beep card pero wala umanong mababawas dito habang ang iba naman ay kailangang kumuha ng ticket sa teller booths.

Read More:  Cendaña warns of legal action over online attacks targeting his medical condition

Samantala, patuloy pa din ang ginagawang libreng sakay ng ating pamahalaan sa ilang public transport na nagsimula ilang buwan bago bumaba sa pwesto ang kasalukuyang administrasyon.

(ARGIE ERGINA)