Incoming Marcos admin, patuloy na maghahain ng diplomatic protests vs China

Inihayag ni incoming National Security Adviser Clarita Carlos na ipagpapatuloy ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paghahain ng diplomatic protests laban sa China.

Sa gitna nito, magpapatuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa China at iba pang mga bansa na may claims sa pinag-aagawang teritoryo.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Una nang sinabi ni Carlos, na isusulong ng Marcos administration ng “critical engagement” sa China.

Paliwanag ng incoming National Security Adviser na ang critical engagement ay kinabibilangan ng holistic framework, kung saan ikokonsidera ang lahat ng aspeto, political, economic, social, cultural sa relasyon ng Pilipinas sa China.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Mababatid na muling nagprotesta ang Department of Foreign Affairs laban sa pagbabalik sa nasa 100 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef, isang lugar sa West Philippine Sea. //MHEL PACIA