Incoming DAR chief, aminadong mahirap maabot ang P20/kl ng bigas sa ngayon

Inamin ni incoming agrarian reform secretary Conrado Estrella na mahirap pa sa nagyon na mapababa ang presyo ng bigas sa P20 per kilo, pero pag-aaralan umano nila ito.

Kaugnay nito, naniniwala si Estrella na ang pagpapababa sa presyo ng bigas mula sa kasalukuyang presyo ay posible naman.

Read More:  Comelec prepared for possible SC action on BSKE postponement

Pero dahil sa tumataas na presyo ng langis at fertilizer, ay imposible umano itong maipatupad sa lalong madaling panahon.

Sa gitna nito, ang mas malapit naman na achievable price ng bigas ay nasa P27 hanggang P28 per kilo.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Ayon kay Estrella, na ang mga paraan para maabot ang mababang presyo ng bigas ay kinabibilangan ng pag-aaral sa binhi at lupa na ginagamit ng mga magsasaka, at tuturuan ang mga ito ng bagong teknolohiya sa pagsasaka. //MHEL PACIA