Liga ng Lalawigan, pinayuhan ang publiko na magsuot pa rin ng face masks

Kung si League of Provinces of the Phillippines President Presbitero Velasco ang tatanungin, mas makabubuti pa rin aniya kung mananatili pa rin ang mask mandate o ang pagsusuot ng face masks.

Ito ang naging reaksyon ng opisyal sa ginawang order sa Lalawigan ng Cebu kung saan ay nagluwag na ito sa guidelines pagdating sa mask mandate sa outdoor areas.

Read More:  Sara Duterte reveals mother’s push for Baste’s national bid

Sa isang panayam, sinabi ni Velasco na hindi pa naman tuluyang natatapos ang pandemya at mayroon pa ring banta ng hawahan ng virus.

Sa kabila nito, naniniwala si Velasco na kumonsulta naman muna si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa ilang mga eksperto bago ang ipinatupad nitong local order sa Lalawigan.

Read More:  COMELEC warns of BSKE delays if Supreme Court issues TRO

Sinabi pa ni Velasco na makikipag-ugnayan sila ngayon kay Garcia para matalakay ang mga naging salik sa paglalabas nito ng EO sa Probinsya.
#