Presyo ng basic commodities, posibleng tumaas ng 5% kada buwan ngayong taon

Posibleng umabot sa 6 hanggang 5% ang inaasahang pagtaas ng inflation o presyo ng basic commodities simula ngayong buwan hanggang sa mga nalalabi pa ngayong taon.

Ito ay ayon sa pagtaya ng Pantheon Macroeconomics na isang UK-based research group.

Sa kanilang pinakahuling komentaryo sa Pilipinas, ang pagtaas sa presyo ng pagkain ang mananatiling main driver ng pagtaas ng inflation.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Kabilang din sa pagtala ng inflation ang presyo ng pabahay, utility services, fuel, transportation, at iba pa.

Sinabi ni Pantheon Macroeconomics Chief Economist for Emerging Asia Miguel Chanco na dapat ang May inflation na 5.4% ang peak pero dahil sa presyo ng mga pagkain ay wala pang malinaw na senyales ng hindi pa ito magtatapos.

Read More:  Cendana seeks more mental health funds after Ateneo shooting

Base sa nakikita ng grupo, posibleng maglaro ang food inflation sa 5.5% hanggang 6% level.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#