Bulkang Bulusan nagtala ng 149 volcanic earthquakes; klase sa 2 bayan, suspendido

SORSOGON CITY–Patuloy ang mahigpit na monitoring ng Philippine Institute of Volcanolgy and Seismology (Phivolcs) sa aktibidad ng Bulkang Bulusan lalo pa at nananatili ang posibilidad ng muling pagbuga nito ng abo ng biglaan.
Sa pinakahuling ulat ng ahensya, umaabot sa 149 na mga pagyanig ang naitala sa bulkan mula kahapon hanggang kaninang umaga.
Patuloy din ang pamamaga ng paligid nito batay sa Ground Deformation Survey habang umaabot naman sa 824 tonnes ang Sulfur dioxide emission ng bulkan.
Patuloy ding naoobserbahan ang katamtamang pagsingaw ng bunganga nito sa sukat na 100 metrong taas papunta sa direksyong hilagang-kanluran.
Bunsod nito, patuloy ang paalala ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa 4 km radius Permanent Danger Zone o PDZ at karagdagang pag-iingat sa 2 km Extended Danger Zone o EDZ sa gawing timog-silangang bahagi ng bulkan.
Sa ngayon ay nananatili sa Alert Level 1 ang estado ng bulkan.
Samantala, kaugnay nito ay naglabas ng abiso ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Irosin hinggil sa pagsuspinde sa klase at sa lahat ng mga school activities sa kanilang lugar.
Epektibo ito ngayong araw ng Biyernes, June 10 matapos ang naobserbahang pagtaas sa volcanic activity ng Bulusan volcano.
Inalerto rin ang lahat ng unit ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council hanggang sa barangay level para sa karampatang aksyon kung kinakailangan.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu
Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Suspendido rin ang klase sa apat na Barangay sa bayan ng Juban kabilang ang Bacolod, Anog, Buraburan at Putingsapa dahil sa muling pagtaas ng aktibidad ng bulkan.###