Donaire TKO kay Japanese star Inoue sa 2nd round

Hindi na pinatagal ni Japanese boxing star Naoya Inoue ang laban kay Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire Jr., matapos itong makahanap ng pagkakataon sa 2nd round ng kanilang rematch.

Sa harap ng kanyang mga kababayan sa Super Arena sa Saitama, Japan, nagpakitang gilas ang tinaguriang ‘The Monster’ para agawin ang WBC bantamweight belt mula kay Donaire.

Read More:  Philippines to host two WTA Tournaments in 2027

Unang bumagsak ang Pinoy fighter sa huling segundo ng 1st round at pagsapit ng ikalawang round ay hindi na pinaporma pa ni Inoue si Donaire sa pamamamagitan ng malalakas na kumbinasyon.

Read More:  POC President Tolentino maintains Philippines could have brought home eight gold medals at Asian Games

Dahil sa panalo umakyat ang record ng Japanese pound-for-pound king sa 23-0, 20KOs.

Habang si Donaire ay bumagsak sa 42-7 win-loss card na mayroong 28 knockouts.