P9.6 million na halaga ng pabuya, ipinamahagi sa mga impormante ng PDEA

Binigyan ng pabuya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang 6 na impormante na nagkakahala ng P9.6 million.

Pinangunahan ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang pamamahagi ng naturang reward sa mga naging mata nila upang madakip ang mga sakot sa pagawaan at pagbebenta ng ilegal na droga sa bansa.

Read More:  Remulla, Paolo Duterte clash over Davao City as flood control ‘epicenter’

Ayon kay Villanueva, ang halaga ng pabuya ng bawat impormante ay base sa dami at uri ng nakumpiskang ilegal na droga.

Read More:  Nationwide firearms safety drive urged after Ateneo shooting

Samantala, pinasalamatan niya ang publiko sa suporta nito para sa anti-drug campaign ng gobyerno.

(ARGIE ERGINA)