DPWH sinimulan na ang assessment ng mga kalsada at tulay sa Sorsogon kasunod ng pagsabog ng Bulkang Bulusan

SORSOGON CITY – Sinimulan na ng Dept of Public Works and Highways (DPWH) ang inspeksyon at monitoring sa mga pambanasang kalsada at tulay sa Sorsogon kasunod ng phreatic eruption o ash fall ng Bulkang Buluasan.

Ayon kay DPWH Regl Office 5 Director Virgilio Eduarte, bagama’t lahat ng mga national highways ay kasalukuyang nadadaanan, ang mga maintenance team ay naglagay ng mga warning signs sa mga ‘intermittent portions’ ng Daang Maharlika na mayroong ash fall sa mga bayan ng Juban at Casiguran.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Ayon pa sa opisyal, naglagay ng mga ‘Slow Down’ signs sa mga apektadong highways para magabayan ang mga motorist habang nagsasagawa rin ng assessment sa anumang pinsala sa mga kalsada.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Dagdag pa ni Eduarte na wala pa sa ngayong naiulat na pinsala sa mga kalsada at tulay ngunit patuloy aniya na susuriin at susubaybayan ang sitwasyon dahil nasa Alert Level 1 na ang status ng nasabing bulkan.