DoJ, isinasapinal na ang paglipat kay Jun Lozada sa Naitonal Bilibid Prison

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kalaunan ay ililipat na rin si Jun Lozada sa national penitentiary.

Kahapon, pormal nang sumuko sa NBI si dating Philippine Forest Corporatio president Jun Lozada matapos ma-convict sa kasong graft dahil sa pag-award ng lupa sa kanyang kapatid ng 6.5 ektaryang lupa.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Ayon kay Guevarra, inihahanda na ngayon ang opisyal na pag-transfer ni Lozada sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City para kumpletuhin ang kanyang sintensya.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Dedepende na lang umano sa Korte kung kailan ang i-iisyu nitong order of commitment.

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin si Lozada sa kustodiya ng NBI.
#