Rank 1 regional most wanted person sa bicol, arestado sa kasong Rape

LEGAZPI-Hawak na ng PNP ang kinukunsiderang rank 1 regional most wanted person sa rehiyong bicol dahil sa walong beses na kasong panghahalay o rape.

Ang suspek ay residente ng Brgy. Lidong, Sto Domingo, Albay, at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite kung saan siya inaresto.

Read More:  Fetus found inside female comfort room at Negros Occidental Coliseum

Ayon sa PNP, namataan ang suspek malapit sa isang botika, dahilan para itoy agad na arestuhin.

September 15, 2021 o nakaraang taon, bumaba ang warrant of arrest nito at umalis sa kanyang barangay kung kaya nagsimula na rin ikasa ang manhunt Charlie kontra sa suspek.

Read More:  Philippine Eagle Foundation urges public to protect Philippine Eagles

Walang nirekomendang pyansa ang otoridad sa nasabing kaso.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng PNP ang suspek para sa kaukulang disposisyon.