Matapos ang ilang buwang pagkakakulong, nakalaya na ngayong araw ang dalawang executives ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa Pasay City Jail.
Matapos ang release order na inilabas ni outgoing Senate President Tito Sotto, nakalabas na ng detention sina Mohit Dargani at Linconn Ong.
Matatandaang kinulong ang dalawa matapos ma-contempt dahil sa hindi nito pag-cooperate sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
Isinagawa ang imbestigasyon noong nakaraang taon dahil sa maanomalyang pag-procure ng mga kagamitan sa DOH.
#
Handang humarap sa reinvestigation ng 19th Congress
Nagpasalamat ang kampo nina Phaymally Pharmally Pharmaceutical Corp. executives Mohit Dargani at Linconn Ong sa mga sumuporta sa kanila at nanawagan sa kalayaan ng mga ito.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, counsel nina Ong at Dargani, uuwi na muna sa ngayon ang mga ito sa kani-kanilang mga pamilya para makabawi ang panahong nawala sa kanila noong sila ay naka-detain.
Sa ngayon, inihahanda pa umano ng kanilang kampo ang mga susunod na hakbang matapos silang ipakulong ng Senado.
Muli namang iginiit ng isa pa nilang counsel na si Atty. Don Kapunan na binaboy ang karapatan ng dalawa nitong kliyente sapagkat inabuso ng Senado ang kapangyarihan nito.
Aniya, imbis na in aid of legislation ang ginawang Blue Ribbon hearing ay nauwi ito sa ‘in aid of reelection’.
Matatandaang si outgoing Senator Dick Gordon ang chairperson ng kumiteng nag-imbestiga ng kaso nila sa Senado.
Sa huli, tiniyak ni Kapunan na handa silang humarap sakali mang buksan muli ng 19th Congress ang ma-anomalyang pagbili ng medical supplies sa kanilang kumpanya.
Umilag naman si Kapunan nang matanong sa kumento nito matapos hindi lagdaan ang commitee report ng Senado.
Mababatid kasing dalawang mga Senador ang hindi pumirma sa report dahil iniuugnay si Pangulong Rodrigo Duterte sa ulat ng kumite at inirerekumendang makasuhan ito ng plunder.
#