Zubiri, pinasalamatan si Villar sa pag-atras sa karera ng SP

‘Senado ng taumbayan’

Ito umano ang target na gawin ni Senate Majority Leader Migz Zubiri sakali mang pormal na siyang iluklok ng kanyang mga kasamahan sa Senado bilang susunod na Senate President.

Ginawa nito ang pahayag matapos niyang pasalamatan si Senadora Cynthia Villar dahil sa pag-atras nito sa karera bilang susunod na lider ng Mataas na Kapulungan.

Read More:  Padilla threatens to skip Duterte impeachment trial over Senate voting rule

Aniya, makatitiyak itong gagawin niya nang mabuti ang kanyang trabaho.

Pinasalamatan din ni Zubiri ang kapwa niya mga Senador sa tiwalang ipinagkaloob ng mga ito sa kanya.

Read More:  Palace defends Marcos’ bucket advice for El Niño preparation

Pagsisiguro ni Zubiri, gagamitin niya ang kanyang mga karanasan at natutunan bilang Majority Leader ng 14th, 17th, at 18th Congress para sa ikabubuti ng Senado, at pati na rin ang pagpapanatili sa independence at integridad ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
#