Pinababasura na ni President-elect Bongbong Marcos sa Korte Suprema ang mga petisyong inihain laban sa kanya para kanselahin ang kanyang certificate of candidacy o COC.
Sa kumentong inihain ni Marcos sa pamamagitan ng kanyang abugado na si Atty. Estelito Mendoza, iginiit nitong wala nag hurisdiksyon ang Kataastaasang Hukuman sa mga petisyon at dapat na itong ipaubaya sa Presidential Electoral Tribunal o PET.
Matatandaang naghain ng petisyon ang ilang mga civic leaders kabilang na si Fr. Christian Buenafe para ibasura ang COC ni Marcos dahil sa ‘di umano’y pagsisinungaling nito kahit na mayroon itong tax conviction.
Una nang ibinasura ang mga petisyon sa Commission on Elections kaya iniakyat na ng mga petitioner ang kanilang reklamo sa SC.
Matatandaang imbis na pagbigyan ng Korte Suprema ang temporary restraining order para ipatigil ang proklamasyon ni Marcos, pinakumento lang nito noon ang kamo ng president-elect, ang Comelec, pati na ang Senado at Kamara na nagsilbing National Board of Canvassers sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.
#