NCR, planong gawing probinsya na pamumunuan ng isang governor

Isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda na gawing isang lalawigan ang kabuoan ng National Capital Region at magkaroon ito ng isang governor.

Isinunod ito ni Salceda sa itinatag noon na Metro Manila Commission sa panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung saan ang governor ng NCR ay si dating first lady Imelda Marcos.

Read More:  Power rates expected to rise in August as NGCP transmission charges jump 22.22%

Paliwanag ng mambabatas, sa ngayon kasi ay watak-watak ang mga ipinatutupad na mga polisya sa mga LGUs.

Kabilang na rito ang hiwa-hiwalay na mga programa sa transportasyon, planning, at economic convergence.

Dahil dito, iba-iba tuloy ang mga pagtugon ng mga Metro Manila LGUs pagdating sa mga problema sa trapiko, kalamidad, at mga programa para sa pag-unlad.

Read More:  Sison rebukes Ligutan over ‘misleading questions’ post in impeachment trial

Inihalimbawa ni Salceda ang ipinatupad na provincial bus ban sa EDSA kung saan, higit na naapektuhan ang mga komyuter.

Sa oras na maisabatas ang panukalang ito, mas mapadadali na ang mga ipatutupad na polisiya sa buong Metro Manila at magiging uniform na ito.
#