Incoming DSWD chief Tulfo, bukas na makipagtulungan sa VP Robredo’s Angat Buhay NGO

Bukas umano si incoming DSWD Secretary Erwin Tulfo na makatrabaho si Vice President Leni Robredo partikular na ang programang ilulunsad nito na Angat Buhay NGO.

Inaasahan kasing ang NGO na ito ay isa sa mga pinakamalaking ‘volunteer network’ na ilulunsad para sa ating mga kababayan.

Read More:  Duterte defense opposes ICC request to inspect seized items

Sa isang panayam, wi-nelcome ni Tulfo ang bubuoing grupo ni Robredo at sinabing handa siyang makipagtulungan sa mga magiging proyekto nito.

Naniniwala si Tulfo na ang mga NGOs ang siyang pinakamalapit sa mga pinakangangangailangan kaya naman susuportahan niya ito.

Sa ngayon, pormal nang winakasan ni Robredo ang mga programa ng OVP kabilang an ang Bayanihan E-Konsulta, pandemic response projects, at iba pang mga assistance na ipinagkaloob nito.

Read More:  Ex-DPWH Chief Bonoan to testify against Martin Romualdez

Sa hiwalay na pahayag, pinasalamatan ng outgoing VP ang lahat ng kanyang mga naging volunteers kung saan ay na-serbisyuhan ang halos 60,000 na mga Pilipino.
#