Pananakit ng dayuhan sa isang tric driver, dapat imbestigahan- Coun. Damasco

Hiniling ni City Councilor Elgin Damasco sa Bureau of Immigration sa Palawan na imbestigahan ang insidente ng pananakit sa isang tricycle driver na taga-Puerto Princesa.

Ayon sa mambabatas, dapat umaksyon ang opisina dahil may mga ebidensya na nagdidiin na sinaktan ng Russian National na si Andrei Umanskii ang driver na si Jeff Amora noong May 24, 2022 sa Barangay San Pedro.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Dagdag pa niya na hindi na dapat pang madagdagan ang reklamo o may mabiktima pa ang dayuhan na natuklasan na may kinaharap na kasong direct assault sa El Nido.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nais ni Councilor Damasco na silipin ng ahensya ang record ng banyaga bago ito ipa- deport dahil sa ginawa.