P9Million halaga ng illegal na droga, sinunog ng PDEA-7 sa Cebu

HINDI papayagan ng Philippine Drug Enforcement Unit sa Central Visayas (PDEA-7) na muling mag-circulate sa local market ang P99.6-M na halaga ng iligal na drogas sa pamamagitan ng pagsunog sa mga ito sa isang punerarya sa Cebu City.

Nakatago lang ito sa custodial facility ng PDEA-7 para magamit na ebidensya habang nananatiling nakabinbin sa korte ang mga kaso ng mga drug courier.

Ang pasilidad ay sinigurado gamit ang tatlong kandado na itinalaga sa tatlong magkakaibang indibidwal para sa pagsasara at hindi ito mabubuksan nang walang utos ng hukuman.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Nabatid na ang naturang iligal na drogas, ay nakumpiska sa iba’t ibang joint operations ng PDEA-7 at Philippine National Police (PNP) sa loob ng 11 taon.

Kahapon, pinangunahan ng PDEA-7 ang pagdidispose ng mga nakumpiskang drogas kabilang ang 13 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P90.7 milyon; 74 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P8.8 milyon, at apat na kilo ng ephedrine na nagkakahalaga ng P7,097.

Ang mga iligal na gamot, ay itinatapon sa pamamagitan ng thermal decomposition kung saan mataas na antas ng temperatura ang ginagamit upang sirain ang mga ito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sinabi ng PDEA-7 na ligtas ang proseso dahil ang mga thermal decomposition machine ay nilagyan din ng scrubber na nag-aalis ng mga amoy na maaaring malangahp ng mga nasa malapit.

Ipinahayag din ni Levi Ortiz, PDEA-7 director, na patuloy din silang nakikipag-ugnayan sa Cebu city government sa kanilang kahilingan para sa tulong para sa planong pagkuha ng sarili nilang thermal decomposition facility.

Dagdag pa ni Ortiz, ang pagre-recycle ng mga nakumpiskang droga ay ipinagbabawal ng batas at para maiwasang mangyari ito, sinisigurado nilang maayos ang kanilang custodial facility(BNFM CEBU)
#