PCG, NAVY at AFP, nagsanib-puwersa na para mahanap ang 7 missing fisherfolks sa Palawan

Tumulong na rin ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines para matunton ang pito pang mga nawawalang mangingisda sa nangyaring banggaan ng isang fishing boat at cargo vessel sa Agutaya, Palawan.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Armand Balilo, kasama nang maghanap ng kanilang mga personnel ang Philippine Air Force at ang Philippine Navy.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Nagpadala na raw ng eroplano ang PAF para tumulong sa aerial search; habang idineploy na ang BRP Jose Andrada ng Philippine Navy.

Matatandaaang nitong Sabado, nagkabanggan ang M/V Happy Hiro, cargo vessel at bangkang pangisda nitong Sabado sa karagatang sakop ng Maracanao Island, Agutaya, Palawan.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Una nang nasagip ang 13 mula sa 20 mga mangingisda na sakay ng fishing vessel.

Sa ngayon, naka-hold na ang MV Happy Hiro sa Antique para sa imbestigasyon ng PCG.
#