Comelec isusulong ang batas sa pag-regulate sa social media at paggamit ng online trolls

Isusulong ng Commission on Elections (Comelec) na magkaroon ng batas para i-regulate ang social media at labanan ang paggamit ng mga trolls sa panahon ng kampanya.

Paliwanag ni Comelec Commissioner George Garcia hangga’t walang batas kaugnay sa naturang usapin ay mananatiling inutil ang poll body at hangang monitoring na lamang ito sa ganitong isyu.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Aminado si Garcia na mahirap patunayan at iprosecute ang mga troll kung ang pagbabasehan ay ang Cyber Libel Prevention Act.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Naniniwala si Garcia na malalabanan ng panukala ang panloloko at pagdagsa ng online trolls tuwing eleksiyon.

Maliban dito isusulong din ng Comelec sa kongreso na ikonsidera ang pagpasa ng batas na magpapahintulot sa ‘internet voting’.