NBI clearance ng first time job seekers at fresh grads libre na!

SORSOGON CITY – Libre na ang pagkuha ng NBI clearance ng mga first time job seekers at mga newly graduates na kanilang gagamitin sa pag-aaplay ng trabaho.

Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Sorsogon Satelite Office.

Read More:  After armed clash in Negros town, civilian taken into custody, then released

Ayon kay NBI-Sorsogon head Regine Janaban, tanging kailangan lamang ng nabanggit na mga aplikante ay kumuha ang mga ito ng Barangay Certification bilang katibayan na sila ay unang beses palang na mag aaplay ng trabaho kung saan online pa rin umano ang magiging sistema pagdating sa pag fill-out ng dukumento.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Sa kasalukuyan umaabot na sa humigit 3,000 clearances ang na release ng satelite office mula nang buksan ito noong Nobyembre ng nakatalikod na taon.