COVID 19 vaccination sa region 12, malayo pa sa target

KORONADAL CITY- HINIHIKAYAT ng Department of Health o DOH region 12 ang mga local government units na paigtingin pa ang COVID 19 vaccination sa kani-kanilang mga lugar.

Ayon kay DOH 12 regional immunization program coordinator Dr. Edvir Jane Montañer na nananatili pa rin kasing mababa at malayo pa sa target na 80% ang numero ng mga fully vaccinated sa Soccsksargen region.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Sa datos ng DOH 12 noong Mayo 23, nasa 2,506,448 pa lamang o 61.55% ng 4,072,485 na target population ang fully vaccinated, habang 60.39% naman ang partially vaccinated.

Read More:  CAFGU member killed, two soldiers wounded in clash with NPA group in Negros Occidental

Kaugnay nito, hinihikayat ni Montañer ang mga LGU na hanapin at bakunahan ang mga unvaccinated, hindi pa nakakumpleto ng primary doses, at mga hindi pa nabibigyan ng booster dose.