Posibleng diversionary tactics o di kaya ay retaliation sa isinasagawang military operation laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nangyaring pagsabog kahapon sa Koronadal at Tacurong City.
Sa panayam ng Brigada News FM Cotabato sinabi ni BGen. Eduardo Gubat, Acting Division Commander ng 6ID at JTF Central, na ito ay upang mailihis ang atensyon ng mga otoridad sa pagtugis sa mga natitira pang mga rebelde.
Hindi pa rin aniya nila binabalewala ang kakayahan ng mga ito lalo na sa pagtatanim ng mga bomba sa ilang bahagi ng Central Mindanao.
Gayunman patuloy ang ginagawang paghihikayat ni Gubat sa lahat ng mga residente ng Central.
Mindanao na maging mapagmatyag at agad ipagbigay alam sa mga otoridad kung may mamataan ang mga ito na mga taong kahina-hinala ang kilos. (BNFM Cotabato)