Lalaki sinilbihan ng warrant of arrest ng Daet PNP dahil sa kasong  attempted murder

CAMARINES NORTE- Arestado ng pinagisang pwersa ng mga otoridad sa pangunguna ng Daet PNP ang isang  lalaking may warrant of arrest sa ikinasang manhunt Charlie Operation dakong 6:30 ng gabi nitong Mayo 25, 2022 sa Purok 1, Brgy Mambalite, Daet, Camarines Norte.

Ang naarestong personahe ay kinilalang sina alyas “NOY”, 56 anyos, may asawa, at residente ng Purok 4, Brgy Cobangbang, Daet, Camarines Norte.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Inaresto si NOY sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Attempted Murder na ipinalabas ni Hon Judge Rene Morallo Dela Cruz, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, Br. 38, Daet, CN noong Mayo 23, 2022 at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Isang Daan at Dalawampung Libong Piso (Php 120,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Daet MPS ang nasabing personahe para sa kaukulang disposisyon.