Tambalang BBM at Sara naiproklama na bilang susunod na Presidente at Bise Presidente

Opisyal nang naideklara si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Sa official canvass ng mga boto ng joint congressional canvassing committee, si Marcos ay nakatanggap ng 31,629,783 votes mula sa halos 60 percent ng electorate, dahilan para sa landslide victory laban sa katunggaling si Vice President Leni Robredo.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Sa pagka bise-presidente naman, naiproklama na din si Davao City Mayor Sara Duterte, anak ni outgoing President Rodrigo Duterte, bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, sa katatapos palang na May 9 elections.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Batay sa official canvass ng mga boto ng joint congressional canvassing committee, nakakuha si Duterte ng 32.2 million votes, na mahigit triple mula sa 9.3 million votes na natanggap ng isa sa mga katunggali na si Sen. Kiko Pangilinan.