Big Time na dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Matapos ang ikinasang rollback noong nakaraang linggo, asahan naman ang big-time na dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa oil industry sources, naglalaro sa P2 hanggang P3 ang rollback sa kada litro ng diesel at kerosene.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Meron namang pagtaas na hanggang P4.40 sa kada litro sa kada litro ng gasolina.

Ayon sa Department of Energy, ang adjustment sa oil prices ay bunsod pa rin ng paggalaw sa pandaigdigang merkado.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Asahan ang opisyal na presyo mula sa mga oil companies sa araw ng Lunes, habang ipatutupad naman ito sa Martes.
#