Pinalagan ng Commission on Elections ang naging ulat ng International Observer Mission na nagsasabing hindi patas ang naging national at local elections sa bansa dahil sa talamak na dayaan at pag-palpak ng mga makinang ginamit.
Depensa ni COMELEC acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco, tanging 0.8 lang ng mga vote counting machines ang nagka-aberya at kaagad din itong napalitan o sinaayos.

Sa ulat naman ng karahasan, sinabi ng poll body official na bagamat nakapagtala ng 27 election-related incidents, higit na mababa pa rin ito sa mga nagdaang halalan.
Giit ni Laudiangco, tanging mga insidente lang ng vote-buying ang maituturing nila na uri ng pandaraya sa eleksyon.
Kahit na talamak pa rin ang bentahan ng boto, sinabi nito na tinutukan naman itong maigi ng kanilang Task Force Kontra Bigay.
#