CHR – Gobyerno, dapat maging seryoso sa pag-protekta ng human rights

Umaasa ang Commission on Human Rights sa susunod na administrasyon na ire-recalibrate nito ang kanilang programa para maprotektahan ang karapatang pantao ng mga Pilipino.

Umapela si CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana sa susunod na pangulo na baguhin na ang sistema ng kampanya laban sa iligal na droga ng outgoing administration.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Dapat din aniyang ipagpatuloy ang imbestigasyon sa mga pending na kaso ng human rights violations kabilang na ang mga alleged extrajudicial killings.

Read More:  Teodoro challenges China to name politicians allegedly linked to Beijing

Bago ito, una nang inilabas ng CHR ang kanilang report na nagsasabing bigo ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte naprotektahan ang human rights.

Pinalagan naman ito ng Palasyo at sinabing ‘rehash’ lamang o lumang tugtugin na ang mga alegasyon ng kumisyon.
#